Tagalog (Wikang Tagalog) |
English (English) |
Pambungad na awit |
Introductory Rites |
Tanda ng krus |
Sign of the Cross |
Sa ngalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo. | In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. |
Amen | Amen |
Pagbati |
Greeting |
Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristong isinilang para sa ating kaligtasan, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ay sumainyong lahat. | The grace of our Lord Jesus Christ, and the love of God, and the communion of the Holy Spirit be with you all. |
At sumaiyo rin. | And with your spirit. |
Pagsisisi sa Kasalanan |
Penitential Act |
Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan,upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal napagiriwang. | Brethren (brothers and sisters), let us acknowledge our sins, and so prepare ourselves to celebrate the sacred mysteries. |
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sasalita at sa gawa, at sa aking pagkukulang; Kayaisinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahatng mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid, na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. | I confess to almighty God and to you, my brothers and sisters, that I have greatly sinned, in my thoughts and in my words, in what I have done and in what I have failed to do, through my fault, through my fault, through my most grievous fault; therefore I ask blessed Mary ever-Virgin, all the Angels and Saints, and you, my brothers and sisters, to pray for me to the Lord our God. |
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. | May almighty God have mercy on us, forgive us our sins, and bring us to everlasting life. |
Amen | Amen |
Kyrie |
Kyrie |
Panginoon, kaawaan mo kami. | Lord, have mercy. |
Panginoon, kaawaan mo kami. | Lord, have mercy. |
Kristo, kaawaan mo kami. | Christ, have mercy. |
Kristo, kaawaan mo kami. | Christ, have mercy. |
Panginoon, kaawaan mo kami. | Lord, have mercy. |
Panginoon, kaawaan mo kami. | Lord, have mercy. |
Papuri |
Gloria |
Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoon Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. | Glory to God in the highest, and on earth peace to people of good will. We praise you, we bless you, we adore you, we glorify you, we give you thanks for your great glory, Lord God, heavenly King, O God, almighty Father. Lord Jesus Christ, Only Begotten Son, Lord God, Lamb of God, Son of the Father, you take away the sins of the world, have mercy on us; you take away the sins of the world, receive our prayer; you are seated at the right hand of the Father, have mercy on us. For you alone are the Holy One, you alone are the Lord, you alone are the Most High, Jesus Christ, with the Holy Spirit, in the glory of God the Father. Amen. |
PANALANGING PAMBUNGAD |
Collect |
Manalangin tayo. | Let us pray. |
Amen. | Amen. |
LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS |
Liturgy of the Word |
Unang Pagbasa |
First Reading |
Ang Salita ng Diyos. | The word of the Lord. |
Salamat sa Diyos. | Thanks be to God. |
SALMONG TUGUNAN |
Responsorial Psalm |
IKALAWANG PAGBASA |
Second Reading |
Ang Salita ng Diyos. | The word of the Lord. |
Salamat sa Diyos. | Thanks be to God. |
MABUTING BALITA |
Gospel |
Sumainyo ang Panginoon. | The Lord be with you. |
At sumaiyo rin. | And with your spirit. |
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San N. | A reading from the holy Gospel according to N. |
Papuri sa iyo, Panginoon. | Glory to you, O Lord |
Ang Mabuting Balita ng Panginoon. | The Gospel of the Lord. |
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. | Praise to you, Lord Jesus Christ. |
Homiliya |
Homily |
SUMASAMPALATAYA |
Profession of Faith |
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, Na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, Iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,Ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.Doon magmumulang paririto At huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, Sa banal na Simbahang Katolika, Sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao At sa buhay na walang hanggan. Amen. | I believe in one God, the Father almighty, maker of heaven and earth, of all things visible and invisible. I believe in one Lord Jesus Christ, the Only Begotten Son of God, born of the Father before all ages. God from God, Light from Light, true God from true God, begotten, not made, consubstantial with the Father; through him all things were made. For us men and for our salvation he came down from heaven, and by the Holy Spirit was incarnate of the Virgin Mary, and became man. For our sake he was crucified under Pontius Pilate, he suffered death and was buried, and rose again on the third day in accordance with the Scriptures. He ascended into heaven and is seated at the right hand of the Father. He will come again in glory to judge the living and the dead and his kingdom will have no end. I believe in the Holy Spirit, the Lord, the giver of life, who proceeds from the Father and the Son, who with the Father and the Son is adored and glorified, who has spoken through the prophets. I believe in one, holy, catholic and apostolic Church. I confess one Baptism for the forgiveness of sins and I look forward to the resurrection of the dead and the life of the world to come. Amen. |
Panalangin ng Bayan |
Prayer of the Faithful |
Manalangin tayo sa Panginoon. | We pray to the Lord. |
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin. | Lord, hear our prayer. |
LITURHIYA NG EUKARISTIYA |
Liturgy of the Eucharist |
Offertory |
Offertory |
Purihin ang Diyos magpakailanman. | Blessed be God for ever. |
Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin aykalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan | Pray, brethren (brothers and sisters), that my sacrifice and yours may be acceptable to God, the almighty Father. |
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mgakamay, Sa kapurihan niya at karangalan sa atingkapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. | May the Lord accept the sacrifice at your hands for the praise and glory of his name, for our good and the good of all his holy Church. |
Amen. | Amen. |
IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPAPASALAMAT |
Eucharistic Prayer |
Sumainyo ang Panginoon. | The Lord be with you. |
At sumaiyo rin. | And with your spirit. |
Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. | Lift up your hearts. |
Itinaas na namin sa Panginoon. | We lift them up to the Lord. |
Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. | Let us give thanks to the Lord our God. |
Marapat na siya ay pasalamatan. | It is right and just. |
Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos ng mga Hukbo. Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo. Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa Kaitaasan. | Holy, Holy, Holy Lord God of hosts. Heaven and earth are full of your glory. Hosanna in the highest. Blessed is he who comes in the name of the Lord. Hosanna in the highest. |
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya. | The mystery of faith. |
Si Kristo’y namatay. Si Kristo’y nabuhay. Si Kristo’y babalik sa wakes ng panahon. | We proclaim your Death, O Lord, and profess your Resurrection until you come again. Or: When we eat this Bread and drink this Cup, we proclaim your Death, O Lord, until you come again. Or: Save us, Saviour of the world, for by your Cross and Resurrection you have set us free. |
Amen. | Amen. |
ANG PAKIKINABANG |
Communion Rite |
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob: Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama. Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan | At the Saviour’s command and formed by divine teaching, we dare to say: |
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo. Sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman. Amen. | Our Father, who art in heaven, hallowed be thy name; thy kingdom come, thy will be done on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our trespasses, as we forgive those who trespass against us; and lead us not into temptation, but deliver us from evil. |
Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw – araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo. | Deliver us, Lord, we pray, from every evil, graciously grant peace in our days, that, by the help of your mercy, we may be always free from sin and safe from all distress, as we await the blessed hope and the coming of our Saviour, Jesus Christ. |
Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man. Amen. | For the kingdom, the power and the glory are yours now and for ever. |
Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban. kasama ng Espiritu Santo magpasawalang – hanggan. | Lord Jesus Christ, who said to your Apostles: Peace I leave you, my peace I give you, look not on our sins, but on the faith of your Church, and graciously grant her peace and unity in accordance with your will. Who live and reign for ever and ever. |
Amen. | Amen. |
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo. | The peace of the Lord be with you always. |
At Sumainyo rin. | And with your spirit. |
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa. | Let us offer each other the sign of peace. |
Kordero ng Diyos, na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan. | Lamb of God, you take away the sins of the world, have mercy on us. Lamb of God, you take away the sins of the world, have mercy on us. Lamb of God, you take away the sins of the world, grant us peace. |
ITO ANG KORDERO NG DIYOS, ITO ANG NAG-AALIS NG MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN. MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN SA KANYANG PIGING. | Behold the Lamb of God, behold him who takes away the sins of the world. Blessed are those called to the supper of the Lamb. |
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. | Lord, I am not worthy that you should enter under my roof, but only say the word and my soul shall be healed. |
Katawan ni Kristo. | The Body (Blood) of Christ. |
Amen. | Amen. |
Manalangin tayo. | Let us pray. |
Amen. | Amen. |
Paghayo sa Pagwawakas |
Concluding Rites |
PAGBABASBAS |
Blessing |
Sumainyo ang Panginoon. | The Lord be with you. |
At sumaiyo rin. | And with your spirit. |
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos (+) Ama, Anak at Espiritu Santo | May almighty God bless you, the Father, and the Son, and the Holy Spirit. |
Amen. | Amen. |
Dismissal |
Dismissal |
Tapos na ang Misa. Humayo kayo sa kapayapaan. | Go forth, the Mass is ended. Or: Go and announce the Gospel of the Lord. Or: Go in peace, glorifying the Lord by your life. Or: Go in peace. |
Salamat sa Diyos. | Thanks be to God. |
Reference(s): This text was automatically translated to Tagalog from the English translation of the Roman Missal © 2010, International Commission on English in the Liturgy. |
Reference(s): Excerpts from the English translation of The Roman Missal © 2010, International Commission on English in the Liturgy. |